Posted on 09/02/2025 03:12 pm
Look: Krisis sa tubig sa Baguio City, tutugunan ng makabagong pasilidad ng DOST kontra tagtuyot at pagbaha. Tatlo pang proyekto ng DOST na tutugon sa usapin ng nutrisyon, inobasyon, at advanced manufacturing, binisita ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. Para sa karagdagang detalye, narito ang report.
Posted on 09/02/2025 03:09 pm
“Sa Bagong Pilipinas, ang agham ay ramdam.” Ito ang binigyang diin ni DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. sa isinagawang Post-SONA discussions. Tinalakay dito ang iba’t ibang inisyatibo at programa ng DOST na siyang ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang 4th State of the Nation Address.
Posted on 09/02/2025 01:49 pm
Isang natatanging paraan ng pagsulat ang muling binubuhay ngayon sa Pampanga. Ating alamin ano ang papel ng agham sa pagbuhay at pagpapalaganap nito. Dito lang sa ExperTalk.
Posted on 09/02/2025 01:42 pm
Isang maliit na device, hatid ay malaking pag-asa. Tunghayan ang kwento sa likod ng isang aparatong gawa ng mga kabataan para sa early detection ng sakit na breast cancer, ang Thermosense.
Posted on 09/02/2025 01:37 pm
Malalakas na pagulan at matinding pagbaha ang tumama sa iba't ibang panig ng bansa nitong mga nagdaang linggo, dulot ng bagyong Crising, Dante, Emong at ng habagat. Nagdulot ito ng milyong pisong pinsala sa mga ari-arian, at higit sa lahat kumitil ng maraming buhay. Sa harap ng ganitong mga sakuna, gaano nga ba tayo kahanda? Alamin ang mga dapat gawin para maging mas handa sa pabago-bagong panahon dito sa #ExperTalk.
Posted on 07/30/2025 04:42 pm
TINGNAN: DOST-PHIVOLCS, nagbabala sa posibleng pagsabog ng Bulkang Taal. Naglabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) kaugnay ng posibleng pagputok ng Bulkang Taal. Ayon sa ahensya, naitala ang biglaang pagtaas sa real-time seismic energy measurements ng bulkan, na posibleng senyales ng paparating na aktibidad o pagsabog.
Posted on 07/30/2025 04:37 pm
ICYMI: Isinagawa sa bansa ang kauna-unahang E-Beam Technology Summit para palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa ligtas na paggamit ng gamma at electron beam sa pagproseso ng mga pagkain at iba pang produkto.
Posted on 07/30/2025 04:33 pm
1st Philippines' International Exposition of Technologies (PHILIPPiNEXT), tampok ang mga inobasyon mula sa Pilipinas at Asya na layuning tugunan ang mga pandaigdigang hamon sa iba't ibang sektor, matagumpay na inilunsad ng DOST-TAPI - DOST-Technology Application and Promotion Institute
Posted on 07/30/2025 04:30 pm
Tuwing may lindol o pagputok ng bulkan, isa siya sa mga una nating napapanood sa TV at naririnig sa radyo, nagbibigay ng tamang impormasyon sa gitna ng sakuna.
Posted on 07/30/2025 04:27 pm
Alam mo bang ang sarap at kalidad ng tsokolate ay nagsisimula sa tamang pag-ani ng cacao? Sa episode na ito ng #ExpertTalk, kilalanin ang CacaoTech — isang makabagong imbensyon ng mga estudyante mula sa Technological University of the Philippines. Gamit ang kanilang teknolohiya, matutukoy na ng mga cacao farmers ang perfect time ng pag-ani para masiguro ang tamang hinog ng cacao na susi sa mas malasa at world-class na tsokolate.