Posted on 07/30/2025 04:24 pm
Hanggang ngayon, umaasa pa rin tayo sa pagsusunog ng fossil fuel para sa enerhiya, pero kapalit nito ang unti-unting pagkasira ng kalikasan. Kaya naman, alamin natin ang mga alternatibong paraan para magkaroon ng kuryente sa ating mga tahanan sa paraang hindi nasisira ang ating kalikasan. Tulad na lang ng Hydroelectric Power Plant sa Maria Cristina Falls sa Iligan City, Northern Mindanao. At Agham n’yo ba na ang mga basura ay puwede na ngayong maging isang fuel oil? Paano ito naging posible? Sabay-sabay nating alamin, dito lang sa ExperTalk!
Posted on 07/30/2025 04:18 pm
Sa Calaca, Batangas, isang inobasyon ang isinilang sa kamay ng dalawang estudyante! Gamit ang plastic bottles at init ng araw, gumawa sina Aicel at Heart ng solar-powered device na kayang magsilbing alternatibong power source na napapakinabangan na rin sa kanilang paaralan.
Posted on 07/15/2025 10:30 am
Sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon, higit dalawampung pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa loob ng six-kilometer danger zone ng bulkan sa Bago City, Negros Occidental.
Posted on 07/15/2025 10:28 am
Mula sa pagsabog noong Hunyo 3, 2024 ng Bulkang Kanlaon hanggang sa patuloy na pagbabantay rito ngayon, paano ginagawa ng DOST-PHIVOLCS ang 24/7 monitoring sa isang aktibong bulkan? Alamin natin ang teknolohiya, kagamitan, at dedikasyon ng mga eksperto sa likod ng siyensyang ito. Panoorin ang unang bahagi ng Bantay-Bulkan special report ng DOSTv.
Posted on 07/15/2025 10:26 am
Nakapagtala ang DOST-PHIVOLCS ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw (16 June 2025). May posibilidad pa rin ng biglaang pagsabog mula sa bulkan dahil nakataas pa rin ito sa Alert Level 3. Narito ang update mula kay Engr. Mari-Andylene Quintia, ang Resident Volcanologist ng Kanlaon Volcano Observatory station.
Posted on 07/15/2025 10:22 am
Malaki ang papel ng mga siyentista sa pambansang kaunlaran. Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag, pinarangalan ng National Academy of Science and Technology (NAST PHL ) ang mga natatanging siyentistang nagpamalas ng husay sa kani-kanilang larangan.
Posted on 07/15/2025 10:21 am
Halos 24% na lang ng kabuoang land area ng Pilipinas ang nababalot ng kagubatan. Ayon 'yan sa datos ng Climate Change Commission. Kumpara sa mga nagdaang dekada, malaki na ang ibinaba nito dahil sa deforestation at urbanisasyon. Kaya ang ilan sa ating eksperto mula sa National Academy of Science and Technology(NAST PHL), kabi-kabila ang mga isinasagawang pag-aaral para pagtuunan ng pansin ang forest restoration.
Posted on 07/15/2025 09:07 am
Usong-uso ngayon ang catfish farming bilang negosyo. Pero alam niyo ba na may isang uri ng hito na unti-unti nang nawawala sa ating bansa?
Posted on 07/15/2025 08:57 am
Isang basurahang kayang mag-identify ng metal, plastic, o paper. Isang solar drying machine na tumutulong sa mga magsasaka. Magkaibang imbensyon, parehong bunga ng talino at sipag ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng siyensya. Ating kilalanin ang mga kabataan na, sa murang edad pa lamang, ay nagsisimula nang maging bahagi ng solusyon. Panoorin ang buong kwento sa ExperTalk!
Posted on 07/15/2025 08:52 am
Agarang solusyon sa pagtutulungan ng iba't ibang institusyon ang kinakailangan para mapuksa ang sakit na ito na nagpapahirap sa ating mga small-scale farmers. Ating alamin kung ano nga ba ito na sumasalakay ngayon sa mga taniman sa iba't ibang probinsya ng Mindanao, at kilalanin ang grupo ng mga mananaliksik na gumagawa ng paraan upang mapuksa ito. Panuorin ang buong kwento sa ExperTalk.