Posted on 07/30/2025 04:42 pm
TINGNAN: DOST-PHIVOLCS, nagbabala sa posibleng pagsabog ng Bulkang Taal. Naglabas ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) kaugnay ng posibleng pagputok ng Bulkang Taal. Ayon sa ahensya, naitala ang biglaang pagtaas sa real-time seismic energy measurements ng bulkan, na posibleng senyales ng paparating na aktibidad o pagsabog.
Posted on 07/30/2025 04:37 pm
ICYMI: Isinagawa sa bansa ang kauna-unahang E-Beam Technology Summit para palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa ligtas na paggamit ng gamma at electron beam sa pagproseso ng mga pagkain at iba pang produkto.
Posted on 07/30/2025 04:33 pm
1st Philippines' International Exposition of Technologies (PHILIPPiNEXT), tampok ang mga inobasyon mula sa Pilipinas at Asya na layuning tugunan ang mga pandaigdigang hamon sa iba't ibang sektor, matagumpay na inilunsad ng DOST-TAPI - DOST-Technology Application and Promotion Institute
Posted on 07/30/2025 04:30 pm
Tuwing may lindol o pagputok ng bulkan, isa siya sa mga una nating napapanood sa TV at naririnig sa radyo, nagbibigay ng tamang impormasyon sa gitna ng sakuna.
Posted on 07/30/2025 04:27 pm
Alam mo bang ang sarap at kalidad ng tsokolate ay nagsisimula sa tamang pag-ani ng cacao? Sa episode na ito ng #ExpertTalk, kilalanin ang CacaoTech — isang makabagong imbensyon ng mga estudyante mula sa Technological University of the Philippines. Gamit ang kanilang teknolohiya, matutukoy na ng mga cacao farmers ang perfect time ng pag-ani para masiguro ang tamang hinog ng cacao na susi sa mas malasa at world-class na tsokolate.
Posted on 07/30/2025 04:24 pm
Hanggang ngayon, umaasa pa rin tayo sa pagsusunog ng fossil fuel para sa enerhiya, pero kapalit nito ang unti-unting pagkasira ng kalikasan. Kaya naman, alamin natin ang mga alternatibong paraan para magkaroon ng kuryente sa ating mga tahanan sa paraang hindi nasisira ang ating kalikasan. Tulad na lang ng Hydroelectric Power Plant sa Maria Cristina Falls sa Iligan City, Northern Mindanao. At Agham n’yo ba na ang mga basura ay puwede na ngayong maging isang fuel oil? Paano ito naging posible? Sabay-sabay nating alamin, dito lang sa ExperTalk!
Posted on 07/30/2025 04:18 pm
Sa Calaca, Batangas, isang inobasyon ang isinilang sa kamay ng dalawang estudyante! Gamit ang plastic bottles at init ng araw, gumawa sina Aicel at Heart ng solar-powered device na kayang magsilbing alternatibong power source na napapakinabangan na rin sa kanilang paaralan.
Posted on 07/15/2025 10:30 am
Sa patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Kanlaon, higit dalawampung pamilya ang pansamantalang inilikas mula sa loob ng six-kilometer danger zone ng bulkan sa Bago City, Negros Occidental.
Posted on 07/15/2025 10:28 am
Mula sa pagsabog noong Hunyo 3, 2024 ng Bulkang Kanlaon hanggang sa patuloy na pagbabantay rito ngayon, paano ginagawa ng DOST-PHIVOLCS ang 24/7 monitoring sa isang aktibong bulkan? Alamin natin ang teknolohiya, kagamitan, at dedikasyon ng mga eksperto sa likod ng siyensyang ito. Panoorin ang unang bahagi ng Bantay-Bulkan special report ng DOSTv.
Posted on 07/15/2025 10:26 am
Nakapagtala ang DOST-PHIVOLCS ng anim na volcanic earthquake sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw (16 June 2025). May posibilidad pa rin ng biglaang pagsabog mula sa bulkan dahil nakataas pa rin ito sa Alert Level 3. Narito ang update mula kay Engr. Mari-Andylene Quintia, ang Resident Volcanologist ng Kanlaon Volcano Observatory station.